Thursday, August 25, 2016

The Promise: A Confession of a Hopeless Romantic

"Maybe in another lifetime, we will be together and I can make you and your love stay. Someday, I will get over you. But for now, let me love you until this heart of mine gets tired seeking for your love that was once mine." 



If I fall in love with you, I promise to always be the last goodnight kiss, ikaw rin ang magiging huling mensahe sa aking cellphone, ang boses ko rin ang siyang huling tinig na maririnig mo sa iyong telepono at ang siya ring boses na gigising at babatiin ka ng "magandang umaga!"

I promise na ibibigay ko sa iyo ang huling bahagi ng piraso ng cake, ang huling kagat, ang huling panlasa nang kung anuman ang ating kinakain, miski pa ito na ang masasabi kong pinakamasarap sa lahat ng aking natikman na pagkain. Mga simpleng bagay na kaya kong isakripisyo para lang sa iyo. 

Wednesday, August 24, 2016

Fighting for a Love I thought Was Worth Fighting For


Sabi nga ng awitin ni Justin Bieber, “Love Yourself.” Matagal bago ko napagtanto na hindi ko pala masyadong mahal ang sarili ko. Ganyan ka rin ba katulad ko? Bihira lang ako kung magmahal, pero pag nagmahal ako, todo, ibinubuhos ko ang lahat ng kaya ko para lang sa taong pinakamamahal ko. Pero hindi pala dapat ganun. Mali pala yun paraan na ganoon.

I promised to love myself from now on more than anyone else. I thought what I had with *Orange was amazing—it was a great feeling to be in a relationship. He could make me laugh and we both loved to converse and eat out a lot. He was the first guy I went out on an actual date with and he was also my very first kiss. I could easily open up to him without worrying about being judged. I trusted him more than anyone else. I trusted him to never hurt me. But he did. Almost effortlessly. 

Pierced Hearts: Bakit ito ang title ng blog na ito + Disclaimer mula sa manunulat

Pierced Hearts artwork taken from the internet website DragonArt.com

Pierced hearts. Broken Hearted ba ako? Bitter or Ampalaya sa pag-ibig? Nabigo nang minsan at nasaktan ng labis? Marahil nagtataka ka kung bakit ito ang URL ng blog na ito. At kung bakit ko napiling maging titulo ang “Mga Hugot na Tagos sa Puso.” Pwedeng sabihin ng iba na “corny” ang titulong napili ko o di kaya naman masyadong “baduy” para sa pandinig nila. Pero simple lang ang kasagutan kung bakit ito ang napili kong maging paksa ng aking bagong blog. Naniniwala akong lahat tayo ay dumaan na sa iba’t-ibang uri ng kabiguan sa buhay. Lahat tayo ay nakaranas na ng pighating dala ng pusong sawi dahil sa pag-ibig. Hindi man palagiang maging matagumpay ang pakikipagsapalaran natin sa pag-ibig, ang mahalaga ay nanatili tayong matatag sa buhay at patuloy na naniniwala rito (pag-ibig).  Sabi nga ng nakararami, huwag tayong mawalan ng pag-asa na mayroong taong sadyang nakalaan para sa atin.

Ang blog na ito ay ginawa ko sa paghahangad na makatulong ako sa maaaring makabasa nito na kahit paano, sa pamamagitan ng aking mga hugot na blog entries ay mayroong mapulot na aral o maka-relate man lang sa bawat magiging paksa o kwento nito ang sinuman. Ginawa ko ring Taglish (Tagalog-English) ang blog na ito upang mas maintindihan ng nakararami.

Disclaimer: Ang mga isusulat ko na blog entries ay hindi nangangahulugan na sumasalamin sa aking personal na karanasan. Maaaring sila ay kathang-isip lamang o di kaya ay mula sa personal na kwento ng aking mga kaibigan o kakilala.

Maraming salamat at nawa’y kayo ay muling bumisita sa aking bagong blog.