Wednesday, August 24, 2016

Pierced Hearts: Bakit ito ang title ng blog na ito + Disclaimer mula sa manunulat

Pierced Hearts artwork taken from the internet website DragonArt.com

Pierced hearts. Broken Hearted ba ako? Bitter or Ampalaya sa pag-ibig? Nabigo nang minsan at nasaktan ng labis? Marahil nagtataka ka kung bakit ito ang URL ng blog na ito. At kung bakit ko napiling maging titulo ang “Mga Hugot na Tagos sa Puso.” Pwedeng sabihin ng iba na “corny” ang titulong napili ko o di kaya naman masyadong “baduy” para sa pandinig nila. Pero simple lang ang kasagutan kung bakit ito ang napili kong maging paksa ng aking bagong blog. Naniniwala akong lahat tayo ay dumaan na sa iba’t-ibang uri ng kabiguan sa buhay. Lahat tayo ay nakaranas na ng pighating dala ng pusong sawi dahil sa pag-ibig. Hindi man palagiang maging matagumpay ang pakikipagsapalaran natin sa pag-ibig, ang mahalaga ay nanatili tayong matatag sa buhay at patuloy na naniniwala rito (pag-ibig).  Sabi nga ng nakararami, huwag tayong mawalan ng pag-asa na mayroong taong sadyang nakalaan para sa atin.

Ang blog na ito ay ginawa ko sa paghahangad na makatulong ako sa maaaring makabasa nito na kahit paano, sa pamamagitan ng aking mga hugot na blog entries ay mayroong mapulot na aral o maka-relate man lang sa bawat magiging paksa o kwento nito ang sinuman. Ginawa ko ring Taglish (Tagalog-English) ang blog na ito upang mas maintindihan ng nakararami.

Disclaimer: Ang mga isusulat ko na blog entries ay hindi nangangahulugan na sumasalamin sa aking personal na karanasan. Maaaring sila ay kathang-isip lamang o di kaya ay mula sa personal na kwento ng aking mga kaibigan o kakilala.

Maraming salamat at nawa’y kayo ay muling bumisita sa aking bagong blog. 

No comments:

Post a Comment